-- Advertisements --

Hinihintay pa ng Games and Amusement Board (GAB) si Filipino boxer Eumir Marcial na mag-apply ng kaniyang professional license.

Sinabi ni GAB Chairman Baham Mitra, na maluwag nilang tatanggapin at kanilang tutulungan si Marcial para sa aplikasyon ng professional license nito.

Noong nakaraang linggo sana ang schedule ni Marcial na magtungo sa opisina ng GAB sa lungsod ng Makati subalit hindi ito natuloy.

Dagdag pa ni Mitra, dahil sa nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila ay pinayuhan na lamang nila si Marcial na mag-apply online na lamang ito bago makipag-appointment.

Magugunitang pumirma na sa MP Promotion ang 24-anyos na si Marcial at naghahanda na ito sa unang professional fight niya sa Oktubre.

Tiniyak naman ni Marcial na prioridad pa rin niya ang pagkuha ng gold medal sa Tokyo Olympics.