-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Papayagan nang makapaglaro at mag-ensayo ang mga non-professional players sa pinahihintulutang sports sa panahon ng pandemya ngunit merong kondisyon mula sa Inter-Agency Task Force (IATF).

Sa eksklusibong panayam ng Star FM Bacolod kay Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham Mitra, lilimitahan lamang sa edad na 21 pataas ang pahihintulutang makapag-ensayo at makapaglaro ng physical sports.

Dagdag pa ni Mitra, isa rin sa mga limitasyon ang pagbabawal na makapunta sa low-risk areas ang mga players na manggagaling sa high-risk areas upang maiwasan na makapagdala ng sakit.