-- Advertisements --

Pinag-aaralan na ng Games and Amusement Board (GAB ) na tuluyan ng kanselahin ang registration ni PBA player John Amores.

Ito ay matapos na masampahan ng kasong attempted homicide dahil sa pamamaril sa nakaalitan nito sa basketball sa Lumban, Laguna noong nakaraang buwan.

Sinabi ni GAB Chairperson Atty. Francisco Rivera, na hihintayin muna nilang matapos ang imbestigasyon ng PBA ukol sa kaso ni Amores.

Sa nasabing imbestigasyon ay maaring magresulta sa pagpapatalsik kay Amores sa liga at kanilang kakanselahin ang registration nito sa GAB.

Una ng sumailalim si Amores sa therapy dahil sa nasangkot ito sa panununtok sa NCAA games noong 2022 habang ito ay naglalaro pa sa Jose Rizal University.