Umapela ang Games and Amusement Board (GAB) sa World Boxing Association (WBA) para ibalik ang welterweight champion ni Manny Pacquiao.
Inalis kasi ng WBA ang Filipino boxing champion sa listahan ng welterweight champion dahil sa hindi pagiging aktibo nito sa boxing ng mahigit isang taon.
Sinabi ni GAB chairman Baham Mitra, sumulat na sila kay WBA president Gilberto Jesus Mendoza na ikonsidera ang kanilang apela.
Umaasa ito na mapapakinggan sila ng WBA at maibalik ang pagiging full champion ng fighting senator.
Dahil sa nasabing desisyon ay ipinalit ng WBA ang Cuban boxer na si Yordenis Ugas bilang super welterweight champion.
Huling lumaban kasi si Pacquiao noong July 2019 ng talunin niya si Keith Thurman.
Magugunitang noong nakaraang araw din ay inanunsiyo ni Pacquiao na sinimulan na niya ang pag-eensayo ng boxing.