-- Advertisements --

Tiniyak ni Gab Valenciano na walang dapat ipangamba ang mga fans nito matapos maaksidente sa Batangas Racing Circuit sa Rosario, Batangas, kahapon.

Kuwento ng anak ng celebrity ding si Gary V, sa lakas ng impact ay tumilapon ang sinasakyan niyang motor palabas ng racing track at bumangga sa isang puno sa lugar.

Kasalukuyang nagpapagaling na sa ospital ang 30-year-old dancer dahil sa mga tinamong sprained ankle at cervical sprain/spasms.

Gayunman, nagpapasalamat ito sa Panginoon na hindi siya napuruhan at paghahandaan ang kanyang pagbabalik sa susunod na round ng motorcycle racing event.

Narito ang nakasaad sa tinatawag na IG story ni Gab:

“To those asking, I’m alright. Thank you.

At the hospital and recovering with a sprained ankle and cervical sprain/spasms.

Still waiting for the final assessment though.

Another rider came out of nowhere and hit me from the rear, so I violently veered towards the barrier, flew accross a 10 ft drop and finally was stopped by hitting a tree.”

“BUT that’s racing and it happens. Sometimes even worse.

“Can’t complain and I’m thankful to God for protecting me still.

“Thank you to the emergency crew who put in the work to make sure I was okay.

“Will be back for round 3 next month stronger than ever.”