-- Advertisements --

Pinakilig ng actor na si Gabby Concepcion ang mga fans nito sa pamamagitan ng post niya sa social media.

Sa kaniyang social media ay nagpost ito ng video na kausap ang dating asawang si Sharon Cuneta.

Naganap ang pag-uusap sa backstage ng concert ng dalawa sa ibang bansa kung saan sinabi ng Mega Star na noong naghiwalay sila ay akala niyang mawawala na ang lahat sa kaniya.

Dagdag pa nito na mayroon pa silang dalawang show na natitira kung saan sinabi pa ni Sharon na mami-miss niya ang pagkanta kasama ang dating asawa.

Magugunitang nagsasagawa ng concert tour ang dating mag-asawa na umabot pa sa ibang mga bansa.