-- Advertisements --

Magsasagawa ng botohan ngayong araw ang gabinete ni Israel Prime Mnister Benjamin Netanyahu, ukol sa panibagong ceasefire deal.

Kasunod ito sa pagpayag ni Netanyahu sa ceasefire deal sa Hezbollah kung saan mayroong ilang prinsipyo ang kaniyang sinang-ayunan.

May ilang pag-alinlangan ang Israel at ito ay patuloy na inaayos na inaasahan ipaparating sa gobyerno ng Lebanon.

Paglilinaw ng Israeli government na hindi pa ito pinal hanggang hindi ma-resolba ang mga napapaloob na isyu dito.

Una rito ay nakapulong ni US ambassador to Israel Amos Hochstein sina Lebanese Prime Minister Najib Mikati at ilang opisyal nito ukol sa ceasefire na isinusulong.