Nakatakdang pupulungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ECAC), mga miembro ng gabinete at security sector ngayong araw sa Malacañang.
Ito ay para talakayin at palakasin ang anti-insurgency efforts na ginagawa ng gobyerno.
Sinabi ni National security Adviser (NSA) Hermogenes Esperon Jr., ang pulong na ito kasama na rin ang AFP-PNP command conference ay pagkakataon na rin para kay Pangulong Duterte na magbigay ng guidance kung papano paiigtingin ang kampanya kontra insurhensya.
Ayon kay Sec. Esperon, nais ni Pangulong Duterte na agarang matugunan ang economic at security concerns sa mga lugar na magulo o pinamumugaran ng mga rebelde.
Pangunahin sa gustong ipatupad ni Pangulong Duterte ay ang mas mabilis na pagkakaloob ng mga pangunahing serbisyo at social development packages, gayundin ng hustisya at infrastructure development sa mga liblib na lugar at makatiyak sa aktibong pakikisali ng lahat ng sektor ng lipunan sa pagsusulong ng peace agenda sa bansa.