-- Advertisements --

Nagsimula ang coaching and mentoring program ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Special Operations Group-Strike Force Head Gabriel Go.

Ang nasabing hakbang ay bilang kautusan ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes para magkaroon ng magandang pamumuno at kagandahang asal, anger management sa tuwing magsasagawa ng clearing operation.

Pinamunuan naman ni dating MMDA Task Force Special Operations Unit Edison ‘Bong’ Nebrija ang pagtuturo kay Go.

Magugunitang inireklamo ng isang pulis ang ginawang paghuli ni Go kung saan umani ito ng negatibong reaksyon na nagresulta sa pagsampa sa kaniya ng kaso.