-- Advertisements --

Ikinalugod ng Gabriela Women’s Party ang Motu Proprio Petition for Disqualification na inihain ng COMELEC Task Force SAFE na layong i-disqualify si Pasig congressional candidate Christian “Ian” Sia kaugnay sa kaniyang sexist and misogynistic remarks kung saan tinatarget nito ang mga single mothers.

Ayon kay Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas tama lamang ang ginawa ng COMELEC na tugunan ang ginawa ng isang basto’s na kandidato.

Sinabi ng Kongresista na ito ay dapat magtakda ng isang precedent na ang Komisyon ay may parehong mandato at responsibilidad na i-disqualify ang mga kandidato na naglalako ng mapang-abuso at madidiskriminang retorika laban sa kababaihan sa panahon ng kampanya.

Umaasa din si Brosas na marami pang kaso ang ihahain laban sa iba pang mga kandidato.