Kinondena ng Makabayan Bloc lawmaker ang hindi otorisadong pagpasok sa karagatan ng Pilipinas ang US carrier strike group one sa pangunguna ng USS Carl Vinzon sa pagitan ng Leyte at Mindanao nuong December 26,2024.
Ayon kay Assistant Minority Leader at Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas na ang ginawa ng US warship ay isang panghihimasok at pagpapakita ng walang pakundangan ng lakas ng militar ay maaring paglabag sa soberanya ng Pilipinas.
Giit ng Kongresista, ang pagdaan ng US carrier strike group sa karagatan ng Pilipinas ay malinaw na panghihimasok at pagyurak sa kasarinlan ng bansa.
Binigyang-diin ni Brosas na ang nuclera-capable warship na iniskortan ng USS William Lawrence, USS Sterett at USS Princeton ay nagdudulot ng seryosong panganib sa Filipino communities.
Binatikos din ni Brosas ang gobyerno na hinahayaang gawin ang Pilipinas na isang US military outpost imbes na depensahan ang soberenya ng bansa.
Giit ni Brosa na ang Pilipinas ay hindi war playground ng Amerika o extension ng Pentagon.
Pagdidiin ni Brosas ang ating soberenya ay non-negotiable at dapat igiit ang ating independence mula sa umano’y kontrol ng Amerika.