-- Advertisements --
Itinuloy pa rin ang Gadhimai festival sa Nepal.
Ito ay kahit na maraming tumutuligsa mula sa iba’t-ibang animal rights group.
Itinuturing kasi ang nasabing okasyon bilang isang pinakamadugong animal sacrifice at religious festival.
Sisimulan ang okasyon sa pamamagitan ng pagpatay sa kambing, daga, manok, baboy at kalapati.
Ayon kasi sa animal activist na aabot sa 200,000 na mga hayop ang napatay noong 2014 dahil sa nasabing kasiyahan.
Nagsimula ang tradisyon 250 taon na ang nakakalipas kung saan kailangan ang pagkalat ng dugo mula sa mga hayop para ma-enganyo si Gadhimai ang Hindu goddess of power na makalaya mula sa pagkakakulong.