-- Advertisements --

Inakusahan ni Atty. Larry Gadon ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa nasa likod ng pagtanggal sa mga social media account ni dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Sinabi nito na nakipagpulong umano ang kampo ng bise presidente para matanggal o masuspendi ang katunggali ni Robredo sa pagkapangulo na maraming mga followers.

Iginiit ni Gadon na mayroong itong ‘insider’ sa Facebook na nagsabing nakipagpulong ang kampo ng Bise Presidente sa ilang opisyal ng Facebook sa bansa.

Kinakatakot nito na baka masuspendi ang mga account ng mga supporters ng UniTeam nina Marcos at Inday Sara Duterte dahil umano sa imbentong alegasyon ng kampo ni Robredo.

Mariing itinanggi naman ng kampo ng bise presidente ang alegasyon na ito ni Gadon.