Kinumpirma ng Department of Justice na naglabas na ang Manila City Regional Trial Court ng gag order sa kaso ni dating Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr.
Ayon sa DOJ, pinagbabawalan na ang kampo ng DOJ at Teves Campa na mag-usap o maglabas ng pahayag na may kinalaman sa mga kasong inihain sa dating mambabatas na may kaugnayan sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at siyam na iba pang indibidwal.
Paliwanag ni Justice Assistant Secretary Atty. Mico Clavano, ang gag order ay nagbabawal sa mga abogado, magkabilang kampo at mga testigo sa isang pending case na magbigay ng kanilang komento.
Kung maaalala, mula sa Negros Oriental Court ay ipinag-utos ng SC na inilipat ang pagdinig ng Degamo slay case sa Manila RTC alinuniod na rin sa request ng DOJ.
Magkakaroon rin ng closed doors discussion ang DOJ hinggil sa naturang usapin.