Tiniyak ng Malacañang na may gagawing aksyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng pananahimik pa nito kaugnay sa pagbangga ng Chinese vessel sa bangka ng mga mangingisdang Pilipino sa Recto Bank at pinabayaan o inabandona pa ang mga mangingisdang lumulutang na sa karagatan.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang gagawin ni Pangulong Duterte ay magiging naaayon sa insidente at depende sa tugon ng Chinese government sa inihaing diplomatic protest ng Pilipinas.
Ayon kay Sec. Panelo, bibigyan muna nila ng “benefit of the doubt” ang China sa kanilang gagawing imbestigasyon sa insidente.
Una ng inihayag ng China na normal lamang daw na nagyayari ang ganitong banggaan ng barko sa karagatan at sinabi pang kaya umalis ang Chinese vessel ay dahil sa takot na kuyugin ng iba pang bangka ng mga Pilipino.
Itinanggi naman ito ng mga mangingisdang Pilipino at iginiit na wala nga silang kasama kaya sa Vietnamese vessel sila nagpasaklolo.
“Oh certainly. The President will undertake measure that is appropriate for the incident. Depende kasi ‘yan kung anong magiging response ng Chinese government sa ating diplomatic protest,” ani Pangulong Duterte.