-- Advertisements --
Mino-monitor na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang binansagang “drug queen” na bagsakan daw ng recycled shabu.
Ayon kay PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino, ang hindi pa pinapangalanang suspek ay tumatayong pinuno ng mga “ninja cops” o mga tiwaling pulis na nagbebenta ng drogang kanilang nakumpiska sa ibang operasyon.
Sinabi ni Aquino na tukoy na nila ang galaw ng naturang “drug queen,” pati na ang mga tauhan nito.
Sa kasalukuyan aniya ay nasa ibang bansa ang suspek, ngunit nagpapatuloy ang galaw ng mga tauhan nito sa Pilipinas.
Nakatutok ang drug transactions ng grupo sa Maynila, habang may ilan ding aktibidad sa iba pang parte ng Metro Manila.