Tiniyak ng National Security Council (NSC) na tatapatan ng karampatang aksyon ng Pilipinas sa oras na gumawa ng anumang provocative action ang namataang monster ship ng China sa karagatan malapit sa Zambales.
Ayon kay NSC Assistant Girector-General Jonathan Malaya na hindi pinababayaan at patuloy na sinusundan at minamanmanan ang galaw ng ng Philippine Coast Guard at Armed Forces of the Philippines (AFP) saChinese coast guard 5901 vessel.
Dagdag pa ni Malaya, mahigpit din mino monitor ito ng Task Force North at National Task Force for the West Philippine Sea.
Patuloy din na binibigyan ng challenge ng ating mga otoridad ang Chinese vessel at binibigyang-diin na sila nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas at mali ang kanilang iginigiit na nagsasawa sila ng patrolya sa kanilang area of jurisdiction.
Naniniwala naman si Malaya na ang ginagawa ng China ay isang uri ng intimidation, coercion, deception, at agression kung saan ipinapakita nilang may ganito silang barko upang takutin ang mga mangingisda.
Dagdag pa ni Malaya na sa ngayon wala silang na monitor na nagsagawa ng pangha-harang at delikadong maneuvers ang Chinese monster ship.
Pinayuhan naman ng pamahalaan ang mangingisda sa lugar na ipagpatulong lamang ang kanilang pagpalaot at nakasuporta sa kanila ang gobyerno.