Nakataas ngayon ang gale warning sa karamihan sa seaboards sa Pilipinas dahil sa epekto ng malakas na hangin dala ng northeat monsoon o hanging Amihan.
Kabilang dito ang mga baybayin sa lalawigan ng Batanes, Babuyan islands, Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, Polillo islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan.
Gayundin sa Zambales, Bataan, Batangas, Metro Manila, Cavite, Mindoro Provinces, Lubang island, Palawan, Marinduque, Romblon, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Negros provinces, Cebu, bohol, Siquijor, Agusan del Norte, Misamis Oriental, Camiguin, Misamis Occidental, Northern coast ng Lanao del Norte, Dinagat islands, Siargao del Norte at Sur at Davao Oriental.
Kugnay nito, pinag-iingat lalo na ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat hangga’t maaari na huwag munang pumalaot dahil sa banta ng mataas na alon na maaaring umabot ng limang metro sa mga baybaying nabanggit at bunsod ng malakas na bugso ng hanging amihan.
Patuloy din na minomonitor ngayon ang low pressure area na nasa loob at labas ng Philippine Area of responsibility.
Bagamat maliit ang posibilidad na mabuo ito bilang bagyo.