Ibinulgar ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez na tinanggihan umano ng mga Western manufacturers ang alok ng Pilipinas na magbayad ng mas malaki para sa maagang pagde-deliber ng mga bakuna laban sa COVID-19.
Hindi man pinangalanan ni Galvez, kasalukuyang nakikipag-usap ang Pilipinas sa pitong mga vaccine developers, gaya ng American pharmaceutical companies Pfizer at Moderna, maging sa British firm AstraZeneca.
“Gusto nga naming taasan ang presyo para makakuha lang tayo ng early delivery pero sinasabi ng mga ibang Western manufacturers that is very impossible,” wika ni Galvez sa talumpati nito sa pag
Inamin din ni Galvez na nahihirapan silang magka-access sa mga bakunang gawa ng nasabing mga kompanya dahil sa mahigpit na suplay sa buong mundo.
Dagdag pa ng kalihim, nakapag-secure na raw ang mga mayayamang bansa ng supply mula sa mga kilalang kompanyang gumagawa ng bakuna.
Ani Galvez, umaasa na sa ngayon ang bansa sa kabuuang 5.1-milyong doses ng bakuna ngayong buwan, kung saan 3.5-milyon dito ay manggagaling sa COVAX facility, habang 1.6-milyon naman ang sa Sinovac.
Una rito, nagbigay na ang China ng 600,000 doses ng CoronaVac vaccine ng Sinovac, at kasalukuyan ding nakikipag-usap ang bansa para sa deliver ng isang milyon pang Sinovac shots ngayong buwan.