Karapat-dapat umano sa puwesto si Western Mindanao Command (WestMinCom) commander Lt. Gen. Carlito Galvez bilang bagong chief-of-staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP)
Si Galvez ang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang kapalit ni AFP chief Gen. Rey Leonardo Guerrero na magreretiro na sa serbisyo ngayong buwan.
Si Galvez ay miyembro ng PMA Sandiwa Class of 1985 kung saan “mistah” nito si Philippine Army chief Lt. Gen. Rolando Joselito Bautista.
Ayon kay dating AFP chief at ngayon ay Interior OIC-Sec. Eduardo Año, magiging mabuting chief-of-staff si Galvez lalo na’t kilala raw ito bilang “well rounded” combat officer.
Sinabi rin ng kalihim na isa si Galvez sa itinuturing niyang “Marawi heroes” na siyang nanguna at nag-supervise para magkaroon ng katapusan ang pananakop sa naturang siyudad ng mga teroristang Maute-ISIS.
“Gen. Charlie Galvez deserves the position. He will be good Chief of Staff AFP being a well rounded career and combat officer who has occupied key positions in different combat assignments. He is one of our Marawi heroes who led and supervised the resolution of the conflict and liberation of Marawi since day one. He is well prepared for the job,” mensahe ni Sec. Año.
Samantala, nagagalak din si Defense Sec. Delfin Lorenzana sa appoinment ni Galvez dahil aniya, kilalang magaling na opisyal ang heneral kaya magagampanan din nito ng mabuti na mamuno sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
“I am happy for Gen. Galvez. I know he will make a good CSAFP. I knew him since he was a Lt [lieutenant], very professional and competent. Most of his assignment have been in Mindanao especially in western, central and eastern. He knows the area and the people well,” mensahe ni Lorenzana.