-- Advertisements --
Itinanggi National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galviez Jr na nagkaroon ng iregularidad ang pagbili ng gobyerno ng mga personal protective equipment o PPE.
Sinabi nito na ang dumadaan sa matinding pagbusisi ang mga binibiling kagamitan ng gobyerno.
Mahigpit din aniya nilang sinusunod ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na lumalaban sa kurapsyon.
Reaksyon ito ni Galvez sa lumabas na ulat na umabot sa P20 billion ang halaga ng PPE na binili ng gobyerno para sa mga frontliners.