-- Advertisements --

ILOILO CITY – Ibinunyag ni dating Health Secretary at ngayon Iloilo 1st District Representative Janette Garin ang naging usapan nila ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr sa mababang distribusyon ng COVID-19 vaccine sa Western Visayas.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Garin, sinabi nito na personal niyang hiningan ng paliwanag si Galvez kung bakit hindi nabibigyan ng sapat na bakuna ang Western Visayas lalo na ang Iloilo.

Ayon kay Garin, sinabihan siya ni Galvez na hindi siya magbibigay ng bakuna sa rehiyon kunG walang COVID-19 surge at mababa ang bilang mero ng mga namamatay sa virus.

Sinabi raw ng kalihim na hindi tama ang ginagawa ng Duterte administration na kung sino lang ang kanilang kaalyado, ay siyang makakatanggap ng sapat na bakuna.