-- Advertisements --
Pabor na sa ngayon si National Task Force against COVID-19 chief implementer and vaccine czar Carlito Galvez Jr. na gawin nang mandatory ang COVID-19 vaccination sa Pilipinas.
Sa pamamagitan ng polisiyang ito, nakikita ni Galvez na matitiyak na ligtas ang publiko sa severe respiratory illness na dulot ng SARS-CoV-2 virus.
Naniniwala si Galvez na kung lahat ay bakunado na kontra COVID-19 ay saka pa lamang magkakaroon ng safety at protection ang bawat isa.
Nauna nang tinutulan ni Galvez ang mga mungkahi na gawing mandatory ang COVID-19 vaccination.
Gayunman, nilinaw ni Galvez na para gawing mandatory ito ay kailangan muna ng isang batas para rito.