-- Advertisements --
Nagpaalala si vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa mga LGUs lalo na ang mga provincial health officers na sila ang responsable sa pangangalaga sa mga bakuna na maging ligtas ito habang nakaimbak.
Dapat daw palaging inspeksiyunin tuwing anim na oras o tatlong beses sa isang araw ang mga nakaimbak na bakuna upang matiyak na gumagana ang kanilang cold storage o freezer.
Ang naturang paalala ng kalihim ay matapos na mapabayaan ang nasa 300 doses ng bakuna sa Cotabato.
Sa ngayon patuloy pa itong iniimbestigahan ng DOH.