-- Advertisements --
Galvez Cebu Covid LGUs

Nakiusap na mismo si National Task Force Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. sa mga lokal na opisyal ng lalawigan ng Cebu na iwasan na muna ngayon ang batuhan ng sisi at sa halip asikasuhin ang problema sa COVID-19.

Ginawa ni Galvez ang pahayag matapos makipagpulong sa mga mayors ng Cebu at iba pang lokal na pamahalaan kung papaano haharapin ang patuloy na paglobo ng bilang ng mga nahawa sa coronavirus.

Binigyan diin nito na kung “blame game” ang gagawin ay walang mangyayari sa laban natin sa deadly virus.

“I also encourage the LGUs, the doctors, the health workers and stakeholders to come together, unite and pool our energies and resources to solve the health and economic issues, in this locality. ‘Wag po tayong mag-blame game sa isa’t isa. Wala pong mangyayari diyan dapat magsama-sama po tayo,” giit pa ni Galvez.

Sa ulat ni Galvez kagabi, sinabi nito na magtatagal ang surveillance team mula sa DOH central office hanggang bukas ng linggo sa Cebu upang magsagawa ng karagdagang imbestigasyon.

Una nang natukoy ang 19 na critical areas sa Cebu kumpara sa walo lamang sa Metro Manila na mataas ang kaso ng COVID-19.

Kinumpirma rin ng opisyal na halos napupuno na rin ng mga pasyente ang mga private hospitals sa Cebu.

Samantala ilang mga hakbang naman ang naisagawa na sa Cebu upang makontrol ang paglaganap pa ng COVID.

Ayon kay Galvez, kabilang dito ang pagdaragdag ng mga nursing staff sa malalaking ospital, pagdagdag ng mga rooms sa apat na malalaking ospital para maibsan ang waiting time sa mga emergency rooms, nag-abiso rin ang DOH na kapag nasa 21 araw na wala na ang symptoms ng isang pasyente sa ospital ay maari na itong ideklara na clinically healed at i-discharge na, nagdagdag din ng mga ventilators para sa mga critical at severe patients, gayundin pagbibigay ng 42,000 PPEs, nasa 16,000 face masks na N95 na kailangan ng mga doktor at nurses at ang panukala nila na paggamit na sa mga quarantine facilities upang ihiwalay o ma-isolate ang mga positive patients sa mga kaanak nila.

Note: Pls click audio clips of National Task Force Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr.
CEBU COVID GALVEZ QUARANTINE INSPECTION LGUS