-- Advertisements --
Tiniyak ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr, na walang anomalyang nangyayari sa COVID-19 vaccines na binili ng gobyerno sa iba’t-ibang kumpanya.
Sinabi nito na ang termino ng pagbili ng nasabing bakuna ay may malaking benepisyo sa bansa.
Hindi rin aniya basta mauuwi sa kurapsyon ang pagbili ng bakuna dahil ang World Bank at Asian Development Bank ang siyang mamumuno sa pagbabayad.
Tiniyak din nito sa publiko na bumibili ang gobyerno ng bakuna sa pinakababang halaga.
Paglilinaw din nito na mayroon silang pinirmahang kontrata sa bawat kumpanya na gumagawa ng bakuna kaya hindi nila ito basta isinasapubliko ang presyo.
Reaksyon ito ng kalihim sa pag-ani ng batikos mula sa publiko na naging mataas ang presyo ng bakuna na kanilang nabili.