-- Advertisements --
Gamboa2

Aminado si PNP OIC chief Lt. Gen. Archie Gamboa na sila ay natumba sa iskandalong kinaharap partikular sa isyu ng ninja cops kung saan nasangkot dito ang dating PNP chief na si retired Gen. Oscar Albayalde.

Ayon kay Gamboa, malaking hamon para sa kaniya kung paano maibalik ang tiwala at kumpiyansa ng publiko sa PNP.

Pero dahil sa sunud-sunod na accomplishment ng PNP unti-unting nanumbalik ang tiwala ng publiko sa pulisya.

Partikular na tinukoy ni Gamboa ang isa sa kanilang major accomplishment ay ang pagkakasabat sa 371 kilos ng hinihinalaang shabu mula sa isang Chinese na nakilalang si Liu Chao na may market value na P2.5 billion sa ikinasang buy bust operations sa Makati.

Pinalakas din ng PNP ang kanilang internal cleansing kung saan sa loob lamang ng dalawang buwan nasa 90 pulis na ang nasibak sa serbisyo.

Iniulat din ni Gamboa na noong Biyernes pinirmahan niya ang charge sheet kung saan inirerekomenda nito na parusahan ang mga nagkasalang mga police officers na may mga ranggong police colonel.

Samantala, giit ni Gamboa asahan na ang mas pinaigting at mas pinalakas na kampaniya kontra iligal na droga sa pagpasok ng 2020.

Babala ni Gamboa, ibubuhos na nila ang paggamit sa buong puwersa ng batas para sa sinumang hindi magpapaawat at magtatangkang pumasok pa rin sa iligal na gawain lalo na sa iligal na droga ay mananagot.

Plano rin ni Gamboa na magpatupad ng mas maraming administrative reforms sa PNP organization.