-- Advertisements --

Umiwas sa pagsagot si Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa nang tanungin kung sang-ayon ba ito sa isailalim sa lifestyle check ang mga kandidato para sa maging susunod na PNP chief.

Sa panayam kay Gamboa, iginiit nito na nais niyang mahiwalay ang pagiging PNP-OIC sa pagiging kandidato bilang susunod na hepe ng pambansang pulisya.

Ayon sa opisyal, dapat respetuhin na lang ng publiko ang magiging desisyon at gagawing vetting process ng Pangulong Rodrigo Duterte sa posisyon.

Binigyang-diin ni Gamboa na hindi siya magko-komento sa anumang isyu hinggil sa pagiging kandidato nito sa chief PNP.

Nasa kamay na raw kasi ng Pangulo kung magpapatupad ito ng lifestyle check sa kanilang tatlo nina Lt. Gen. Camillo Cascolan at Major Gen. Guillermo Eleazar

Nitong Martes nang imungkahi ni ACT-CIS Party-list Rep. Eric Go Yap na dapat magpasailalim sa lifestyle check ang mga kandidato sa PNP Chief para maipakita sa publiko na malinis ang kanilang record.

“From the very beginning I told the public na gusto kong ihiwalay yung pagiging kandidato ko at pagiging OIC kasi everytime I open my mouth as OIC hindi natin maiwasan na talagang ikakabit yun sa pagiging kandidato ko. So I will say this for once, lifestyle check, iopen mo ba yung SALN mo etc.,” ani Gamboa.”

“Now remember there is a vetting process of which is being undertaken by the Office of the President so whatever the suggestions of the public on how the President should choose the next chief PNP I suggest we respect the President should he include lifestyle or any other kind of vetting I suggest and I fully recommend that we leave it up to the Office of the President who is actually mandated by law to choose the next chief PNP. I will say this once and again from here on I will not comment anything especially kung involved doon ang question sa pagiging candidate ko,” dagdag pa nito.

Taliwas naman sa pahayag ni Gamboa, wala namang nakikitang problema sa panukala sila Cascolan at Eleazar.

Sa mensaheng ipinadala ni Cascolan sa Bombo Radyo, “thumbs up” ang naging tugon nito sa lifestyle check challenge.

Para kay Eleazar, bukas din siya at walang problema.