-- Advertisements --
Miami erik spoelstra
Filipino American Heat coach Erik Spoelstra

Inaasahan na umano ng Miami Heat na babawi at babangon ang Boston Celtics sa kanilang Game 2 bukas sa Eastern Conference finals.

Ayon sa Filipino American Heat coach Erik Spoelstra, ibang klase umano ang Boston at “high level play” ang ipinapakita nito.

Sinabi pa ni Spoelstra kailangang hindi mawala ang focus ng mga players dahil malayo pang matapos ang best-of-seven series.

“We need to play better. We need to do things certainly better on both sides of the court,” ani Spoelstra na ang ina ay isang Pinay.

Samantala, aminado naman ang bench tactician ng Miami na dapat pagtuunan nila ng pansin ang 4th quarter ng mga laro upang maiwasan ang pag-collapse.

Bam Adebayo

Muli rin itong nagbalik tanaw sa makapigil hininga na big plays ni Bam Adebayo sa Game 1 partikular na ang pagsupalpal sa tangkang dunk ng Boston star na si Jason Tatum na ilang segundo na lang ang nalalabi sa laro.

Ang naturang big play ni Adebayo ay kabilang sa naging susi sa overtime win ng Heat.

Bukas ng alas-7:00 ng umaga (PH time) ang simula ng Game 2 ng magkaribal na team.