Inamin ng Cuban champion na si Yordenis Ugas na bahagi talaga ng kanilang buong game plan ang kanyang jabs upang ma-off balance Manny Pacquiao.
Sa halos dalawang linggo umano na maiksing paghahanda, ito ang naging masterplan ni Ugas kasama ang isa pang kaliweteng boksingero mula rin sa Cuba na gold medalist sa Olympics.
Kuwento ni Ugas, ang kanyang mahaba na kanang kamay talaga ang pangunahin nilang pangontra sa matinding atake ni Pacman.
Dahil dito ito umano ang ginawa niyang sentro ng pag-eensayo, batay na rin sa taktika na inihanda ng kanyang beteranong trainer na Cuban din na si Rafael Salas.
Ayon pa kay Ugas, kasama pa sa diskarte ay iikutan nila si Pacquiao habang pinapakawalan ang jabs at jabs pa upang ma-neutralize ang paglapit ng Pinoy superstar.
Kung maalala pagsapit ng 8-round ay kontrolado na ni Ugas ang laban.
Bagamat todo ang paghahabol ng fighting senator, mas matitinding shots din ang pinapakawalan ni Ugas.
Bago pa man ang laban, sinabi na rin ng Cuban master na si Salas, ang kanyang alaga na si Ugas ay na-master na rin ang laban kontra sa mga kaliwete.
Samantala, habang dumarami ang nanawagan kay Pacquiao na magretiro na, makikita naman na kahit sa edad na 42-anyos, ang Pinoy ring icon, masasabi pa ring nakakamangha ang mahigit 800 punches na pinakawalan ni Pacquiao.
Bagamat, nagkaproblema raw si pacquiao sa kanyang mga paa, hindi pa rin maitatatwa ang pagiging athletic marvel nito dahil sa volume of punches na kanyang pinakawalan.