-- Advertisements --

Pumukol ng 3-point shot si Kyle Kuzma sa nalalabing .4 segundo ng laban upang maitala ng Los Angeles Lakers ang 124-121 pagtakas sa Denver Nuggets.

Nagtulong-tulong para sa Lakers sina LeBron James na may 29 points at 12 assists, Anthony Davis na kumamada ng 27 points, at Kuzma 25.

May tsansa pa sana si P.J. Dozier na iangat ang iskor pabor sa Nuggets sa huling 4.4 segundo ngunit nagmintis ang huli sa dalawang free throw.

Na-rebound naman ni Kuzma ang bola at nagtawag ng timeout ang Lakers upang ilatag ang winning play.

Bunsod ng panalo, tinuldukan ng Los Angeles ang kanilang tatlong sunod-sunod na pagkatalo.

Tumabo ng 18 points si Dozier at nagdagdag ng 15 si Michael Porter Jr. para sa Nuggets, na kasalukuyang No. 3 seed sa West.