-- Advertisements --

Binitbit ni Kawhi Leonard ang Los Angeles Lakers upang makatakas sa dikitang laro laban sa Houston Rockets, 122-119.

Nagsilbing mitsa ang game-winning jumper ni Leonard para sa kanilang ikaapat na winning streak o kabuuang 11-5 record.

Una rito, sumablay ang tira ni Russell Westbrook habang nakakuha ng foul si Paul George at maipasok ng dalawang free throws samantalang isang segundo na lamang ang nalalabi.

Nagtapos si Leonard ng 24 points habang si George naman ay may 19.

Sa kampo ng Rockets (11-5) nasayang ang 37 points at 12 assists.

Si Westbrook naman ay may 22 points pero na-foul out siya sa huling sanadalo ng game.

Sa sunod na laro ng Rockets ay hahamunin sila ng Dallas sa Lunes.

Makikipagtuos naman ang Clippers sa New Orleans.