-- Advertisements --

Naniniwala ang Beermen na naging epektibo ang binuong gameplan ng koponan kasunod ng naging panalo kahapon at ibulsa ang Game 2 laban sa Bolts.

Maalalang sa unang Game ay nagawa ng Bolts na gulpihin ang Beermen at ibulsa ang unang panahon sa PBA Philippine Cup Finals.

Ayon kay Beermen shooter CJ Perez, inaako niya ang kakulangan ng kanyang performance sa naunang game kayat kinailangan umanong mag-perform sa Game 2.

Naging epektibo aniya ang binuong game plan matapos nilang itabla sa 1-1 ang serye at iniwasan nito ang mapasok sa foul trouble katulad ng nangyari sa kanya sa unang game.

Maalalang kahapon ay kumamada si Perez ng 34 big points kasama ang limang assists at limang steal upang pangunahan ang opensa at depensa laban sa Bolts.

Naging instrumental ang shooter upang maipasok ang mag crucial shots sa clutch time hanggang sa tuluyang ibulsa ang panalo sa naturang game.

Gaganapin naman sa araw ng Linggo, June 9, ang ikatlong game sa pagitan ng dalawang koponan sa ilalim ng best-of-7 series.