LEGAZPI CITY – Itinuturing na malaking biyaya para sa mga mahihirap na kababayan sa paparating na kapistahan ng Parish of Padre Pio sa Barangay Rawis sa Lungsod ng Legazpi ang karagdagang na gamot at vitamins na ipinagkaloob ng Bombo Radyo Philippines.
Isa ang naturang simbahan sa mga napili bilang beneficiary ng nmga gamot na mula sa matagumpay na Bombo Medico 2019 na taunang medical, dental at opthal mission nitong Hulyo 14.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Parish Acting Secretary Renato Rex, malaki ang pasasalamat nito sa network lalo’t gagamitin ang mga gamot at bitamina sa nakatakdang medical mission sa darating na Setyembre 15 hanggang 17.
Ang aktibidad ang kakabit ng unang anibersaryo ng simbahan bilang parokya na layuning mapaabutan ng tulong ang mga parishioners sa Barangay Tamaoyan, Dita, Pawa, San Joaquin, Rawis, Bagong Pook at Palading.
Timely aniya na gaya ng pagiging manggagamot ni Padre Pio, nag-abot din ng gamot na maipapamahagi sa mga nais na gumaling sa mga iniindang karamdaman.