Inanunsyo ng Food and Drugs Administration (FDA) ang abot kaya ng mga gamot para sa cancer, diabetes at mental health kung saan aalisin na ang buwis ng mga ito.
Batay sa Republic Act No. 11534 ng section 12 na kilala bilang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act, kung saan nabibigyan ng exemption sa Value Added Tax (VAT) ang mga piling gamot na pang lunas sa iba’t-ibang mga karamdaman.
Ayon sa Implementing Guidelines ng Value-Added Tax (VAT) Exemption para sa iba pang mga Health Products nakasaad sa joint administrative order ng ahensya magkakabisa lang ang mga pagbabago na ito sa oras na maglabas ang FDA ng opisyal na advisory na siya namang ipinapasa ng ahensya sa Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs, at Department of Trade and Industry para ipa-implement.
Kung kaya’t noong araw ng Lunes, Nobyembre 25, ay opisyal nang inilabas ng DFA ang kanilang pinalawig na listahan kasama ang mga sumusunod na gamot sa Cancer; Degarelix 80 mg, 120 mg, Tremelimumab 25 mg/1.25 mL (20 mg/mL), at Tremelimumab 300 mg/15 mL (20 mg/mL).
Para naman sa Diabetes; Sitagliptin 25 mg, Sitagliptin (bilang hydrochloride) + Metformin Hydrochloride 50 mg/1 g, Sitagliptin (bilang hydrochloride) + Metformin Hydrochloride (50 mg/850 mg), Sitagliptin (bilang Hydrochloride) 25 mg, Sitagliptin (bilang Hydrochloride) 50 mg, Sitagliptin (bilang Hydrochloride) 100 mg, Sitagliptin (bilang hydrochloride monohydrate) 25 mg, Sitagliptin (bilang hydrochloride monohydrate) 50 mg, at Linagliptin 5 mg.
Habang sa Mental health na gamot; Clomipramine Hydrochloride 25 mg, Chlorpromazine (bilang hydrochloride) 200 mg, at Midazolam 15 mg.