Inaprubahan na sa wakas ng United States ang gamot para sa Alzheimer’s disease.
Ang Aduhelm, ang kauna-unahang gamot na inaprubahan laban sa nasabing sakit matapos ang dalawang dekada.
Ito rin ang pinakaunang medisina para tugunan ang “cognitive decline” na may link sa nasabing kondisyon.
Inaasahan man ng mga eksperto ang nasabing desisyon ngunit sumailalim pa rin ito sa maraming debate lalo pa’t noong buwan lang ng Nobyembre natuklasan ng independent expert panel ng regulatory Food and Drug Administration (FDA) na hindi sapat ang katibayan ng Aduhelm na maging lunas ito sa nasabing sakit.
Sinabi ni FDA Patrizia Cavazzoni, ang Aduhelm ay ang unang treatment na nakadirekta sa pinagbabatayan ng pathophysiology ng sakit na Alzheimer, ang pagkakaroon ng mga amyloid beta plaque sa utak ng tao.
Gayunpaman, ang desisyon ay napasailalim sa landas ng FDA’s “Accelerated Approval” na naniniwala na ang nasabing gamot ay maaaring magbigay ng makabuluhang benepisyo sa isang sakit. (with reports from Bombo Jane Buna)