-- Advertisements --

pnp

Tiniyak ng pamunuan ng Administrative Support To Covid-19 Task Force (ASCOTF) na sapat ang supply ng kanilang mga gamot at medical supplies para duon sa kanilang mga police personnel na nagpositibo sa Covid-19.

Ito’y kasunod sa pagtaas ng Covid-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya at tumaas din ang bilang ng kanilang fatalities.

Sa ngayon kasi pumalo na sa 108 tauhan ng PNP ang nasawi dahil sa Covid-19 infection.

Sa pakikipag ugnayan ng Bombo Radyo kay PNP ASCOTF at The Deputy Chief for Administration (TDCA) Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, kaniyang sinabi na tama lang ang kanilang mga gamot at medical supplies na kakailanganin para duon sa mga personnel nilang nag positibo sa Covid-19 virus.

Sinabi ni Vera Cruz, ang PNP Health Service ang siyang nakatutok at nagsasagawa ng mga imbentaryo sa kanilang mga gamot, medical supplies at sa iba pang mga pangangailangan.

Nilinaw din ng Heneral na ang mga pasyenteng mayruong mild symptoms ang ginagamot sa kanilang mga isolation at treatment facilities dahil kapag malubha na ang mga kalagayan ng mga ito ay kanila ng dinadala sa mga hospital para duon gamutin.

” So far ok pa naman medicines and supplies Anne at mild cases lang naman ang tini-treat namin,” mensahe na ipinadala ni Lt.Gen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.

Una ng sinabi ni Vera Cruz, sapat din ang supply ng kanilang mga oxygen tanks.

Magugunita na ipinag-utos ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang inventory sa kanilang mga gamot at medical supplies upang matiyak na sapat ang mga ito lalo at tumaas ang bilang ng Covid-19 cases sa kanilang hanay.

” Health Service natin ang gumagawa nun (inventory) since sila naman nag ma-man sa mga facilities natin. It’s a matter of checking the inventory of medicines and other medical supplies because of the surge in Covid19 cases which maybe attributed to the Delta strain to ensure its availability when needed,” dagdag na mensahe ni Lt. Gen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.