Ganap nang batas ang Philippine Maritime Zones Act at ang Philippine Archipelagic Sea Lanes Act.
Itoy matapos nilagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12064 at Republic Act No. 12065 sa isang seremonya sa Malakanyang.
Ang Philippine Maritime Zones Act ang magtatakda ng partikular na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas, kasama na ang karagatang maituturing na bahagi pa rin ng bansa.
Layon ng kambal na batas na mapalakas ang claim ng Pilipinas sa West Philippine Sea at iba pang may territorial disputes.
Ang Philippine Archipelagic Sea Lanes Act naman ay naglalayong magkaroon ng sistema ng sea lanes o ruta sa mga dagat ng Pilipinas na maaaring daanan ng mga dayuhang sasakyang pandagat.
Sa tulong nito ay mamo-monitor ang galaw ng mga dayuhang sasakyang pandagat at panghimpapawid sa bahagi ng teritoryo at mas mapapalakas ang ating awtoridad na paalisin sila kung maikokosiderang banta sa bansa.
Sa kanyang talumpati, binigyang diin ni Pang. Marcos ang kahalagahan ng dalawang bagong batas na aniya’y nagtutugma ng mga batas sa bansa sa international laws.
Pagpapakita rin anya ito ng pagiging responsableng miyembro ng international community at pagsusulong ng rules-based international order.
Sabi pa ni PBBM, hakbang rin ito para maprotektahan ang maritime resources at ingatan ang kalikasan.
Ayon Kay National Maritime Council spokesperson Alexander Lopez, napakahalaga ng dalawang nalagdaang bagong batas sa maritimne jurisdiction Pilipinas.
Clearly defined aniya kung ano ang karapatan natin kung usapin ng teriyoryo ang pinag- uusapan.
Ayon naman kay Senador Francis Tolentino, ang mga bagong batas na nilagdaan ay pagpapakita ng paninindigan ng bansa na naka- ankla at alinsunod sa itinatakda ng intl law at sa ating saligang batas at paninindigan sa ating soberenya.
Sa panig ni Congresswoman Rachelle Arenas na malaki ang naiambag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr para maisakatuparan na magkaruon tayo ng batas na nagbibigay diin s kung ano ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Sa pamamagitan aniya ng Republic Act No. 12064 at Republic Act No. 12065 pamamaraan na din aniya ito para mai-legislate ang pangalang West Philippine Sea.