-- Advertisements --

Patay ang notorious gang leader sa Sri Lanka matapos na ito ay barilin.

Naganap ang insidente sa loob ng isang korte kung saan nagpanggap na isang abogado ang suspek.

Ayon sa kapulisan na gumamit ng isang revolver ang suspek na ipinuslit sa pamamagitan ng libro ng isang babaeng suspek.

Ang gang leader na si Sanjeewa Kumara Samararathne ay inaalalayan ng mga kapulisan sa korte para sa pagdinig ng kaso nitong multiple murder case.

Siya ang lider ng Ganemulle Sanjeewa na naaresto mula pa noong Setyembre 2023.

Naaresto naman ng mga kapulisan ang suspek na namaril habang ang kasama nitong babae na 25-anyos na si Pinpura Dewage Ishara Sewwandi ay nakatakas matapos ang insidente.