-- Advertisements --

Nakagawa muli ng panibagong record ang kantang “Gangnam Style” ni Psy.

Ito ay matapos na umabot sa mahigit 4.4 bilyon streams sa YouTube.

Ayon sa management agency ng singer na P. Nation na ang nasabing panibagong record ay kanilang nakamit matapos ang tatlong buwan noong nakapagtala ng 4.3 bilyon views.

Inilabas ang kanta noong Hulyo 2012 at mabilis itong naging number 2 sa Billboard Hot 100 main singles chart.

Tumagal ito sa posisyon ng pitong linggo.

Ang nasabing music video ay sinag unang video na lumagpas sa view limit ng YouTube ng malampasan ang dalawang bilyon views noong Mayo 2014 kaya nag-upgrade ang video sharing site.

Noong November 2017 ay nalagpasan nito ang tatlong bilyong views at nitong Marso ay umabot na sa apat na bilyon.