-- Advertisements --

Nagbitiw bilang 2021 Miss World Philippines Second Princess si Ganiel Krishnan.

Sa kaniyang social media account ay sinabi nito na nais nitong ipagpatuloy ang trabaho bilang journalist.

Dagdag pa nito na mabigat sa kaniya ang nasabing desisyon.

Paliwanag din nito na sa pamamagitan ng isang journalist ay mas marami itong matutulungan.

Magugunitang kinoronahan si Krishnan bilang second princess sa katatapos na pageant nitong nakaraang mga araw.