Naniniwala si House tax chair at Albay Representative Joey Salceda , panahon na para maputol ang gap sa pagitan ng mga manggagawa at negosyo.
Ayon kay Salceda sa ngayon kasi ang totoong sahod ng mga manggawa ay bumababa, maliit na share lamang ang kanilang nakukuha mula sa kabuuang economic output kumpara nuong 2000.
Umaasa si Salceda na mag-aanunsiyo si Pang. Ferdinand Marcos Jr ng mga polisiya para maputol ang gap sa pagitan ng mga manggagawa at negosyo.
“I am hoping President Marcos announces worker-affirming policies in the State of the Nation Address next month. We need a New Deal between labor and business, and with his mandate, President Marcos is the president to do that,” ayon kay Salceda.
Sinabi ni Salceda na mahalaga na ma-reorient ang polisiya sa pagtaas sa purchasing power ng mga manggagawa ng sa gayon makabili ang mga ito ng kanilang sariling bahay, makapag-ipon para sa kanilang retirment at masiguro ang kanilang kalusugan.
“Real wages have been declining, and wages as a share of total output per worker is also on decline. That is the sort of socioeconomic condition that creates unrest and widens the divide between workers and businesses,” pahayag ni Salceda.
Dagdag pa ni Salceda noong 2000, ang mga manggagawa na may minimum na sahod ay tumatanggap ng humigit-kumulang 47% ng kanilang kabuuang output bilang sahod, ngunit noong 2021 bumaba ito sa 31.9%.
“The trend has been almost continuous since 2000, except during the pandemic, when output per person significantly dropped because of lockdowns even as workers got paid. But with lockdowns now completely rolled back, and wage increases proceeding at a very cautious pace, the trend is set to return to its pre-pandemic pace,” wika ni Salceda.
Umaasa din ang mambabatas na mapabiling sa prayoridad ng administrasyon ang Employee Pension and Retirement Income (EPRI) system, sa ilalim ng Capital Market Development Act (House Bill No. 576).
“It basically establishes a corporate pension system where employers contribute 4% of a worker’s salary to their pension, while the worker contributes 1%. That will allow workers to gain more of what they produce for the company setting it aside for their future,” paliwanag ni Salceda.