-- Advertisements --
CHELOY GARAFIL

Ganap nang kalihim, mula sa pagiging officer in charge si Atty. Cheloy Garafil, para sa Presidential Communications Office.

Nanumpa si Garafil sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at saksi ang ilang opisyal ng Malacañang.

Matatandaang unang itinalaga si Garafil bilang officer in charge matapos kunin mula sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Samantala, pinulong naman ni Pangulong Marcos ang mga miyembro ng kaniyang gabinete ngayong araw.

Kinumpirma ni Sec. Garafil ang cabinet meeting na ginaganap sa Malacañang.