LA UNION – Pinaulanan ng bala ng mga hindi kilalang armadong suspeks ang bubungan ng garahe ng isang punong barangay at kasama ang sasakyan sa Barangay Barrientos sa bayan ng Luna, La Union.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo La Union, nagising sina Barangay Barrientos Captain Cesar Valdez, 68, at ang pamangkin nito na si Rogelio Castillo, 61, dahil sa ilang beses na putok ng baril malapit sa kanilang bahay.
Kalaunan, nakita na lamang ni punong barangay Valdez na natamaan ng bala ang bubungan ng kanyang garahe kasama ang sasakyan ng kanyang anak na si Mark Anthony Valdez, at sasakyan ng kanyang pamangkin na si Castillo.
Suwerte naman na walang nasaktan sa kanila mula sa mga ligaw na bala.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil dito.