-- Advertisements --

Naniniwala si Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin na dapat gamitin na ang oversight power ng House Of Representatives para panagutin ang mga opisyal at kawani ng gobyerno na responsable sa pagpapahirap sa buhay ng mga Filipino.

Ginawa ni Garin ang pahayag sa pagdinig ng Murang Pagkain Super Committee na isinagawa ngayong araw.

Ayon sa Doctor solon, hindi pa ba napapagod ang lahat kung saan paulit ulit na lamang ang mga isyu at maging ang sagot ng mga inimbitahang resource speakers at hanggang sa ngayon ay wala pa rin solusyon lalo na ang mga nararanasang pagtaas sa presyo ng bigas, iba pang mga pangunahing pagkain, kuryente at iba pa.

Muling nagsagawa ngayong araw pagdinig ang Quinta Committee sa panguna ni Rep. Joey Salceda upang talakayin ang mga isyu ng smuggling, hoarding at pagtaas ng presyo ng bigas at pagkain.

Layon ng pagdinig na bumuo ng batas na nagpapalakas sa food security ng bansa.