-- Advertisements --
janet garin 1
Ex-DOH secretary and now Iloilo First District Rep. Janette Garin

ILOILO CITY – Nanawagan si dating Health Secretary at ngayon Iloilo 1st District Rep. Janette Garin sa Department of Health (DOH) at Food and Drugs Administration (FDA) na ibalik ang Dengvaxia vaccine upang masugpo ang paglobo ng kaso ng dengue hemorrhagic fever sa buong Pilipinas.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Garin, sinabi nito na iniugnay sa politika ang Dengvaxia vaccine kung kaya’t maraming mga magulang ang nangangamba na pabakunahan ang kanilang mga anak.

Ayon kay Garin, nalulungkot siya dahil sa halip na makakapagbigay lunas ang Dengvaxia sa mga pasyente na may dengue, ito ay kinatatakutan na sa ngayon.

Sa katunayan, ayon kay Garin, 21 mga bansa ang gumagamit ng naturang bakuna upang mapigilan ang pagtaas ng kaso ng nakakamatay na sakit.

Nauna nang itinuturo ng Public Attorney’s Office (PAO) ang anti-dengue program ng pamahalaan sa pagkamatay naman ng mga dengue patients sa bansa.