-- Advertisements --

ILOILO CITY – Hindi pa rin lubos ang kasiyahan ni dating Department of Health (DOH) Sec. Janette Garin kahit absuwelto na ito sa tatlong kaso kaugnay sa kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.

Sa eksklusibong panayan ng Bombo Radyo Iloilo kay Garin, sinabi nito na tatlo sa kanyang kaso ang ibinasura na ng korte dahil sa “lack of jurisdiction.”

Ayon kay Garin, sa tatlong korte na nagbasura ng kaso, dalawa sa mga ito ang kwestyunable ang hangarin dahil hiniwalay sa magkaibang korte sa bansa.

Malinaw ayon sa kalihim na harassment ang ginagawa ng Public Attorney’s Office laban sa kanya at sa iba pang medical expert.

Napag-alaman na si Garin ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide dahil sa umano’y pagkamatay ng mga biktima ng kontrobersyal na anti-dengue vaccine.

Kinumpirma rin ng dating kalihim na may 36 pang kaso na isasampa sa kanya at sa ibang pang mga dating DOH officials hinggil sa naturang bakuna laban sa nakakamatay na dengue.