-- Advertisements --

Muling naghain ng Certificate of Candidacy (COC) si Cong. Janette Garin bilang representante ng First District ng Iloilo. 

Nangako si Garin na ipagpapatuloy niya ang pagbibigay ng dekalidad na serbisyong publiko para sa mga Ilonggo at sa buong sambayanang Pilipino. 

” Ipagpapatuloy natin ang pagbibigay ng dekalidad na serbisyong publiko para sa ating mga kapwa Ilonggo at buong sambayanang Pilipino,” pahayag ni Garin.

Siniguro ng Kongresista magsusulong din aniya siya ng mga batas na magpapalakas sa kapakanan at karapatan ng bawat isa tungo sa mas maunlad na lipunan. 

Binigyang-diin din nito na ipagpatuloy ang ang mga health-related programs upang matiyak ang kalusugan at kapakanan ng mga Filipino.

Si Garin ay nag-akda at nag-co-author ng ilang mga panukalang batas na may kaugnayan sa kalusugan at bills hinggil sa kapakanan at pamumuhay ng mga mamamayang Pilipino.

Isa din si Garin sa mga may akda sa bagong batas ang Magna Carta of Filipino Seafarers.

Bilang vice chairperson ng committee on appropriations kaniyang sisiguraduhin na ang national budget ay nagagastos ng tama.

” We will guarantee that public funds are being allocated efficiently and in alignment with their intended purposes,” ayon kay Garin.