Nirerespeto ni Deputy Majority Leader at Iloilo Representative Janette Garin ang naging desisyon ni Vice President Sara Duterte na magbitiw sa pwesto bilang kalihim ng Department of Education at Vice Chairperson ng NTF-ELCAC.
Sa isang panaya sinabi ni Garin na mayruong dahilan ang pangalawang Pangulo kaya siya ay nagbitiw sa gabinete ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni Garin na mahirap ang sitwasyon ng Pangalawang Pangulo dahil posible hindi na ito komportable mag trabaho sa kaniyang mga kasamahan sa cabinet.
Inihalimbawa ni Garin na siya na dating nagsilbi sa executive branch bilang dating kalihim ng Department of Health, mahirap ipagpatuloy ang pagta trabaho lalo kung hindi na maganda ang environment.
Ayon sa Kongresista, desisyon ito ni VP Sara at hiling nila ang magandang kapalaran sa pangalawang pangulo ng bansa.
Siniguro ni Garin na patuloy nilang irerespeto si Vice President Sara Duterte.
Binigyang-diin ng Kongresista na sila sa House of Representatives ay gagawin ang lahat upang matulungan ang Office of the Vice President lalo na sa mga programa nito at maging sa Department of Education.