Ibinunyag ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma ang isang indibidwal na malapit kay Senator Bong Go hinggil sa financial operations hinggil sa kontrobersiyal na madugong war on drugs ng Duterte administration.
Sa testimonya ni Garma sa House Quad Committee nuong Biyernes, tinukoy nito ang isang alias “Muking” kung saan natukoy ito na si Espino na staff member ni Go sa opisina nito sa Davao City Hall nuong alkalde pa si Duterte at nagpatuloy na magtrabaho kay Go hanggang siya ay naging Special Assistant to the President sa MalacaƱang na nasilbing Assistant Secretary sa kaniyang opisina.
Ibinunyag ni Garma sa komite ang umanoy reward system para sa EJKs.
Sa affidavit ni Garma kaniyang tinuro sina ex-PRRD at Go na siyang nagtatag sa nationwide campaign ng war on drugs na nagresulta ng maraming kaso ng EJK.
Sinabi ni Garma na na nuong 2016 kinontak siya ni Espino para kunin ang contact information ni dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 11 Chief Col. Edilberto Leonardo batay sa hiling ni ex-PRRD.
Nirekumenda ni Garma si Leonardo na pangunahan ng national anti-drug task force na nagre-replicate sa Davao Model.
Pina-iimbita naman ni Quad Comm overall chair Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers kay Espino.
Idinitalye naman ni Garma ang ugnayan ni Espino kay Peter Parungo, na isang non-PNP personnel na siyang nagma-manage ng malaking halaga ng pera na ipinapadala sa ibat ibang bank accounts nuong kasagsagan ng drug war operations.
Ayon kay Garma nagpahayag ng pagkabahala si Parungo dahil sa malalakin halaga ng pera ang pumapasok sa account niya.
Natukoy na ang mga accounts ni Parungo na Metrobank, BDO, at PS Bank ang siyang primary conduits sa mga transaksiyon.
Sa ngayon iniimbestigahan na ng Quad Comm ang intersection ng illegal Philippine offshore and gaming operators (POGO), drug syndicates, at drug-related EJKs.
Atat din ang mga mambabatas na mabunyag ang role ni Espino.
Sa susunod na pagdinig inaasahan na tutukuyin ang pinansiyal na aspeto sa anti-drug campaign.
Sabi ni Barbers na mahalaga na masundan ang money trail.